Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 92,275 na outbound passengers sa mga pantalan.
Ito ay mula 6:01 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Linggo.
Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas partikular sa Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes na may 19,597 na pasahero.
Sumunod dito ang Western Visayas partikular sa Antique, Aklan, Iloilo, Capiz at Guimaras na may 18,335 na pasahero.
Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang lugar:
– National Capital Region- Central Luzon – 1,267
– Southwestern Mindanao – 4,492
– Palawan – 4,716
– Southern Tagalog – 9,502
– Northwestern Luzon – 215
– South Eastern Mindano – 4,440
– Bicol – 7,212
– Northern Mindanao – 11,057
– Eastern Visayas – 5,494
– Northeastern Luzon – 441
– Southern Visayas – 5,507
Kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, kaisa ang PCG sa gobyerno para manatiling zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Dapat ding anilang i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga nakatalagang DOTr Malasakit Help Desk.