20 patay sa aksidente sa Guatemala

Hindi bababa sa 20 katao, siyam ang menor de edad, ang nasawi sa naganap na aksidente sa Guatemala.

Ayon sa national disaster agency, nabangga ng isang trailer truck ang pampasaherong bus sa 150 kilometers Silangang bahagi ng Guatemala City.

Nanggaling din umano ang bus mula sa northeasyern Peten region.

Samantala, naisugod na sa ospital ang mahigit isang dosenang nasugatan sa aksidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Read more...