Bagyong nakatakdang pumasok sa bansa lumakas pa, isa nang severe tropical storm – PAGASA

DOST PAGASA photo

Isa nang severe tropical storm ang bagyong may international name na Phnafone.

Huli itong namataan ng PAGASA sa layong 1,365 km East ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat pras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Wala pa itong direktang epekto sa bansa pero mamayang gabi o bukas ng umaga ay papasok na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at papangalanan itong Ursula.

Sa Christmas eve (December 24) tatama ang bagyo sa kalupaan ng Eastern Visayas o Caraga.

Simula sa Martes, (December 24) maghahatid ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag ulan sa Visayas at northeastern Mindanao.

Read more...