Christmas wish ni Pangulong Duterte, kapayapaan at komportableng pamumuhay sa mga Filipino

Komportablang pamumuhay ng bawat Filipino at pangmatagalang kapayapaan.

Ito ang Christmas wish ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Pasko.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na simple lang ang hiling ng pangulo.

Matagal na aniyang minimithi ng pangulo na magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga Filipino at makaahon sa kahirapan.

“Gusto niya na magkaroon ng komportableng buhay ang bawat Pilipino. Yun ang palaging wish ng Presidente taun-taon,” ayon kay Panelo.

Hangad din aniya ng pangulo na magkaroon ng kapayapaan ang mga Filipino.

“Ang wish list ni Presidente, ever since, ay bigyan ng kapayapaan, lasting peace ang ating kababayan,” ani Panelo.

Kaya pakiusap ng Palasyo sa mga kumukontra sa estado, sumali na sa agos ng pagbabago para makamit ang mataas na antas ng lipunan.

“Yung mga kumukontra sa Estado ay sumali na sa agos ng pag-akyat ng ating lipunan sa mataas na antas ng progress,” dagdag pa nito.

Read more...