Ito ang mensahe ng Palasyo ng Malakanyang sa mga kritiko na patuloy na bumabatikos sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nagsalita na ang taong bayan kung saan base sa Pulse Asia survey, 87 percent ang nakuhang approval rating ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Panelo, hindi matanggap ng mga kritiko na sinusuportahan ng taong bayan si Pangulong Duterte pati na ang kanyang mga programa sa gobyerno.
“Palaging sinasabi nila na ang tao raw ay alam kung ano ang kasamaan na ginagawa ni Presidente. Hindi nila matanggap na talagang ang taumbayan ay sinusuportahan si Presidente, pati na ang kanyang mga programa sa gobyerno,” ani Panelo.
Dagdag pa ni Panelo, panahon na para sumuko ang mga kritiko at makisama na lamang sa pagbabago.
“Panahon na [para] sumuko na sila at sila ay sumama sa hangin ng pagbabago na nilunsad ni Pangulong Duterte,” dagdag ni Panelo.