Batay sa impormasyon ng Phivolcs, unang namataan ang lindol sa 6 kilometers Southeast ng Matanao, Davao del Sur bandang 12:51 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.
Dahil dito, naitala ang instrumental intensity 2 sa Malungon, Sarangani at intensity 1 sa Alabel, Sarangani; Koronadal City at Kidapawan City.
Samantala, sunod na tumama ang magnitude 3 sa Lutayan, Sultan Kudarat bandang 12:59 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 31 kilometers at tectonic ang dahilan.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani at Kidapawan City.
Kapwa naman walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.