Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 22,163 ang outbound passengers sa mga pantalan sa bansa.
Ito ay naitala mula 12:01 ng madaling-araw hanggang 6:00 ng umaga, araw ng Sabado (December 21).
Pinakamaraming naitalang pasahero sa Southern Tagalog na may 6,404 na pasahero sa bahagi ng Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro at Romblon.
Sumunod dito ang Central Visayas na may 4,795 na pasahero sa Cebu, Western Bohol, Southern Cebu at Camotes.
Narito naman ang bilang ng pasahero sa mga sumusunod na lugar:
– Western Visayas – 3,129
– South Eastern Mindanao – 224
– Bicol – 1,961
– Northern Mindanao – 2,025
– Eastern Visayas – 1,537
– Southern Visayas – 2,088
Pinapayuhan pa rin ng PCG ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga safety at security measures sa mga terminal at sasakyang-pandagat.
Mainam ding i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal sa mga nakatalagang DOTr Malasakit Help Desk.