Sa tropical cyclone advisory ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,855 kilometers Silangang bahagi ng indanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 40 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, wala pa itong direktang epekto sa anumang parte ng bansa.
Posible itong pumasok sa loob ng bansa sa Linggo, December 22, ng gabi o Lunes, December 23, ng umaga.
Oras na pumasok sa PAR, tatawagin itong “Ursula.”
Inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan sa pagitan ng Eastern Visayas at Caraga sa Martes, December 24, ng gabi o Miyerkules, December 25, ng madaling-araw.
Inabisuhan ng weather bureau ang publiko at disaster risk reduction and management council na tutukan ang susunod na update ukol sa sama ng panahon.