105,000 katao nakiisa sa UST Paskuhan 2019

Umabot sa 105,000 ang lumahok sa inaabangang ‘Paskuhan’ sa University of Santo Tomas Biyernes ng gabi.

Ang bilang ng nakilahok ay inanunsyo mismo ng pamantasan sa pamamagitan ng kanilang Facebook account.

Libu-libong estudyante, professors at alumni ang nakisaya sa selebrasyon na ang tema ay Harry Potter.

Nagliwanag ang Christmas lights at ang higanteng Christmas tree na may taas na 40 feet.

Habang nakadisplay din ang nasa 150 belen o nativity scenes para ipaalala ang tunay na diwa ng Pasko.

Umindak ang at nagsaya ang lahat sa tradisyona na Paskuhan concert kung saan kabilang sa mga nagtanghal ay ang sikat na banda ngayon na Ben&Ben.

Pero pinaka-inabangan ay ang engrandeng fireworks display.

Narito ang ilan sa mga kaganapan sa Paskuhan 2019 ng UST:




Read more...