Ayon sa Phivolcs, alas-11:45 ng gabi nang maitala ang magnitude 4.3 na lindol sa layong anim na kilometro Hilagang-Kanluran ng Kiblawan, Davao del Sur.
May lalim itong 13 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malungon, Sarangani at Kidapawan City at Instrumental Intensity I sa Tupi, South Cotabato.
Alas-12:55 naman ng Sabado ng madaling-araw nang yumanig ang mas malakas na magnitude 4.7.
Ang episentro ay sa layong pitong kilometro Timog-Kanluran ng Magsaysay, Davao del Sur.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa Kidapawan City, Instrumental Intensity II sa Tupi, South Cotabato at Instrumental Intensity I sa Alabel, Sarangani.
Ang mga pagyanig ay aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol noong Linggo.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.