Ipinag-utos ng Davao City Prosecutor’s Office kahapon, araw ng Biyernes kay Quiboloy at kina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes na sagutin sa loob ng 10 araw ang reklamo ng 22-anyos na si Blenda Sanchez Portugal.
Ayon kay Portugal, ipinakilala siya kay Quiboloy ng kanyang ama, na dating miyembro ng KJC noong siya ay 10 taong gulang pa lamang.
Naganap umano ang panggagahasa ni Quiboloy sa kanya noong 2014, habang siya ay 17 taong gulang pa lamang at iskolar ng religious leader.
Sa press briefing naman ni Atty. Isarelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, sinabi nito walang basehan ang mga akusasyon ng babae.
Sinampahan anya ni Quiboloy ng kasong libel ang naturang babae noong October 2010 dahil sa mga paninira nito.
Ayon pa kay Torreon, may inilabas nang warrant of arrest laban kay Portugal nitong April 2019.
Nanawagan ang abugado na huwag munang husgahan si Quiboloy dahil totoo ito sa kanyang misyon.
Bahagi anya ito ng ‘grand conspiracy’ para pabagsakin ang nagpakilalang ‘Appointed Son of God’.