M4.1 na lindol tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-9:32 Biyernes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 199 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 50 kilometro at tectonic ang dahilan.

Samantala, naitala rin ang magnitude 3.0 na aftershock sa 15 kilometro Timog-Kanluran ng Makilala.

May lalim naman itong isang kilometro.

Naitala ang instrumental Intensity I sa Kidapawan City.

Hindi nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang mga lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...