Afghanistan niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Afghanistan.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang malakas na pagyanig Biyernes (Dec. 20) ng gabi sa Hindu Kush na 246 kilometers north northeast ang layo sa Kabul.

Unang itinala ng India Meorological Department sa magnitude 7.1 ang lindol pero ibinaba ito sa 6.3.

Naramdaman din ang pagyanig sa northern India at sa Pakistan.

Patuloy pang inaalam kung may pinsalang naidulot ang pagyanig.

Read more...