Mahigit 80,000 pasahero bumiyahe sa mga pantalan Biyernes ng hapon – PCG

Dumami pa ang mga pasaherong naitalang bumiyahe sa mga pantalan hapon ng Biyernes, Dec. 20.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, mula alas 12:01 ng tanghali hanggang alas 6:00 ng gabi, nakapagtala ng 80,204 na outbound passengers sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.

Sa Western Visayas nakapagtala ng pinakamaraming pasahero na umabot sa 17,948 partikular sa mga pantalan ng Antique, Aklan, Iloilo at Guimaras.

Marami rin ang bumiyaheng mga pasahero sa
Central Visayas na umabot sa 13,215 partikular sa mga pantalan sa Cebu, Western Bohol, Southern Cebu, at Camotes.

Narito naman iba pang mga pantalan na nakapagtala ng outbound passngers:

Southern Tagalog – 9,576
• Batangas – 4,857
• Oriental Mindoro – 1,241
• Southern Quezon – 878
• Occidental Mindoro – 363
• Romblon – 1,769
• Northern Quezon – 468

Northern Mindanao – 9,040
• Surigao del Norte – 1,512
• Misamis Occidental – 2,298
• Siargao – 716
• Lanao del Norte – 1,851
• Agusan del Norte – 377
• Dinagat – 975
• Zamboanga del Norte – 375
• Misamis Oriental – 623
• Camiguin – 313

Bicol – 6,585
• Albay – 917
• Sorsogon – 2,626
• Camarines Sur – 26
• Masbate – 1,915
• Catanduanes – 1,098
• Camarines Norte – 3

Southern Visayas – 6,225
• Negros Oriental – 2,300
• Negros Occidental – 3,045
• Siquijor – 880

Eastern Visayas – 4,203
• Western Leyte – 1,547
• Southern Leyte – 835
• Eastern Leyte – 115
• Western Samar – 492
• Northern Samar – 980
• Biliran – 234

Palawan – 3,933
• Puerto Princesa – 1,068
• Brooke’s Point – 147
• Coron – 147
• El Nido – 2,437
• Roxas – 66
• Cuyo – 68

National Capital Region – 3,359
• Pasig – 114
• Bataan – 360
• Zambales – 20
• Laguna de Bay – 862
• Cavite – 25

South Eastern Mindanao – 3,226
• Davao – 2,423
• Igacos – 803

South Western Mindanao – 2,476
• Zamboanga – 1,642
• Basilan – 834

North Eastern Luzon – 418
• Cagayan – 109
• Batanes – 309

Tiniyak ng Coast Guard na mananatiling mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa mga pantalan ngayong Christmas season para makamit ang target na zero maritime casualty o incident.

Read more...