Cebu Pacific may paalala sa mga pasahero ngayong peak season

Nagpalabas ng peak season travel advisory ang Cebu Pacific at CebGo para sa mga pasaherong bibiyahe ngayong Christmas Season.

Payo ng Cebu Pacific maglaan ng sapat na oras para makabiyahe patungong airport at para sa pagdaan sa security inspection, immigration screening, check in, bag drop at iba pang pre-departure requirements.

Ang mga pasahero na bibiyahe sa kasagsagan ng peak travel periods ay hinihikayat na dumating sa paliparan dalawang oras o higit pa bago ang kanilang departure para sa domestic flights at tatlong oras para sa international flights.

Sa mga bibiyahe naman patungong Australia (Sydney at Melbourne), kailangan ng mas mahabang dagdag na oras dahil dadaan sila sa mas mahigpit na security screening na requirement ng pamahalaan ng Australia.

Para sa mas mabilis na proseso ng check-in at boarding hinihikayat ang mga pasahero na magsagawa na ng online check-in sa Cebu Pacific website na https://www.cebupacificair.com.

Kung ang biyahe ay sa abroad, pwede nang mag-web check-in pitong oras hanggang apat na oras bago ang departure.

Kung domestic flights naman, pwedeng mag web check-in isang oras bago ang scheduled departure.

May Cebu Pacific App na din na pwedeng i-download sa Google Play para doon mag-check in.

Para naman sa bagahe, isang hand-carry bag lang na may bigat na 7 kilo ang pinapayagan sa Cebu Pacific at Cebgo.

Kailangan din na ang sukat nito ay hindi lalagpas sa 56cm x 36cm x 23cm.

Maliban sa isang hand-carry baggage, bawat pasahero ay pinapayagan din na magdala pa ng isang maliit na bag na ang sukat ay hindi lalagpas sa 35cm x 20cm x 20cm.

Kabilang dito ang handbags, purses at laptop bags na kasya namang ilagay sa ilalim ng upuan.

Kung bibiyahe na may kasamang sanggol, pwede ring magdala ng isang maliit na bag na naglalaman ng gamit ng sanggol gaya ng gatas, diapers at iba pa.

Simula ngayong weekend ay inaasahan na ang dagsa ng mga pasaherong bibiyahe para magdiwang ng Pasko.

Read more...