Kennon Road bubuksan sa mga motorista hanggang sa January 6

Dahil inaasahan ang dagsa ng mga turista simula ngayong weekend sa Baguio City, nagpasya ang Kennon Road Task Force na buksan ang kalsada simula ngayong araw.

Simula kaninang (Dec. 20) alas 6:00 ng umaga
binuksan na ang northbound traffic ng Kennonat tatagal ang pagbubukas hanggang alas 6:00 ng gabi ng January 6.

Ilang linggo na ring sarado sa mga motorista ang kalsda at binubuksan lamang ito sa northbbound traffic tuwing Biyernes.

Pinapayuhan naman ang mga motoristana sa Marcos Highway na lang dumaan o ‘di kaya ay sa Asin-Nangalisan-San Pascual-Rizal-Anduyan Road kung ang sasakyan nila ay may bigat na 5 tons pataas.

Kung makararanas naman ng hindi magandang panahon ay agad ding isasara sa daloy ng traffic ang Kennon Road para maiwasan ang peligro sa mga motorista sakaling magkaroon ng landslide.

Read more...