Website ng DPWH sasailalim sa dalawang araw na maintenance

Dalawang araw na hindi magagamit ang website ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa abiso ng DPWH, sasailalim sa maintenance ang kanilang website mula alas 8:00 ng umaga bukas, Dec. 21 hanggang sa alas 7:00 ng umaga ng Lunes Dec. 23,

Para sa mga may kailangang impormasyon tungkol sa procurement sinabi ng DPWH na maaring bisitahin na lamang ang website ng Philippine Government Electronic Procurement System.

Humingi naman ng pang-unawa sa publiko ang DPWH hinggil sa naturang abiso.

Read more...