LOOK: Shortlist ng mga nominado para sa magiging bagong SC associate justice inilabas na ng JBC

Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist ng mga nominado para maging bagong associate justice ng Korte Suprema.

Sa liham ng JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagsumite ito ng anim na pangalan na maaring mapagpilian ng pangulo para italagang bagong mahistrado.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Manuel Barrios
– Samuel Gaerlan
– Ramon R. Garcia
– Jhoseph Y. Lopez
– Jose Midas Marquez
– Eduardo Peralta Jr.

Ang mapipili ng pangulo na hirangin bilang associate justice ang papalit sa naiwang pwesto ni Justice Diosdado Peralta na ngayon ay punong mahistrado na.

Read more...