40 sa 46 na napawalang-sala sa Maguindanao Massacre, nakalaya na

Nakalabas na ng bilangguan ang 40 mula sa 46 na akusado na napawalang-sala sa Maguindanao Massacre case.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ipinoproseso na ang pagpapalaya sa dalawang iba pa kaya inaasahang makalalabas din sila ng kulungan ngayong araw.

Ang apat naman na napawalang-sala ay may kinakaharap na iba pang kaso.

Dahil dito ayon sa BJMP, hindi pa makalalaya ang apat.

 

Read more...