Animated holiday movie na “Klaus” napabilang sa most-watched original movies ng Netflix

Isang buwan matapos itong ilunsad, napasama na sa most-watched original movies ng Netflix ang holiday movie na “Klaus”.

Ayon sa Netflix, umabot na sa halos 30 milyong households ang nanood nito sa unang isang buwan.

Nov. 15 nang ilabas ito ng Netflix.

Tampok sa “Klaus” ang istorya tungkol kay Santa Claus.

Nilikha ang pelikula sa pamamagitan ng hand-drawn animation.

Ayon sa Netflix, sa susunod na taon ay maglalabas sila ng mas marami pang animated films na pampamilya gaya ng “The Willoughbys” at “Over the Moon.”

Read more...