Sa press briefing sa Malacañang araw ng Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na napag-usapan nila ng pangulo ang tungkol sa anunsyo noong Miyerkules.
“Sabi niya (Duterte), hindi siya papayag na walang mangyayari sa kasong ito,” ani Panelo.
Ayon sa kalihim, nais ng presidente na marinig pa rin ang panig ng mga abugado ng gobyerno at ng water concessionaires kung bakit pinayagan ang ganitong uri ng pagtataksil sa bayan.
“I think he repeated that he still wants to talk with those who are involved – the lawyers of the government, the private lawyers. He said, ‘I still want to hear why they allowed this kind of treason against the interest of the Filipino people’,” dagdag ni Panelo.
Kung si Panelo ang tatanungin, ang ibig sabihin umano ni Duterte ay hindi siya papayag na bumaba sa pwesto ng hindi nareresolba ang isyu.
“Sabi niya (Duterte), hindi siya papayag na walang mangyayari sa kasong ito,” giit ng kalihim.
Una nang nagbabala ang presidente ng takeover sa Metro Manila concessionaires dahil anya’y ‘onerous’ o pahirap na concession deals.
Hindi naman na nagbigay ng detalye si Panelo ukol sa iaanunsyo ng pangulo at hintayin na lamang dapat ito ng publiko.
“I will not preempt the President, because when I asked permission to issue, sabi niya huwag muna. Let’s wait. He said he will make an important announcement on January 6,” ayon kay Panelo.
Ang 25-year water concession agreements sa Manila Water at Maynilad ay nalagdaan sa ilalim ng administrasyong Ramos noong 1997 at pinalawig hanggang 2037 ng administrasyong Arroyo noong 2009.
Kinansela na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang deal extension at sinabing matatapos na ang concession agreements sa 2022.