Sandiganbayan ipinababawi ang koleksyon ng paintings ng pamilya Marcos

Ipinag-utos ng Sandiganbayan Special Division ang pagbawi sa 146 na mamahaling paintings na nabili umano ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at kanyang pamilya.

Sa inilabas na 42-pahinang partial summary judgment ng anti-graft court araw ng Huwebes, sinabi nitong iligal umanong nakuha ng pamilya Marcos ang mga paintings.

Nagkakahalaga ang mga paintings ng higit-kumulang US $24 million.

Ayon sa korte, ang halaga ng mga paintings ay ‘significantly out of proportion’ sa sweldo ng mga Marcos.

“Simply stating that one ‘specifically denies’ an allegation does not make a general denial become specific. In the case of respondents, they failed to state and substantiate how they lawfully acquired the funds used to purchase the paintings, and likewise failed to show proof that they had other legitimate sources of income aside from their combined salaries of $304,372.43,” ayon sa Sandiganbayan.

Ipinag-utos din ng korte sa pamilya Marcos na huwag ibenta o ilipat ang pagmamay-ari ng mga ito, ideklara ang mga painting na nasa kanila pa, at isuko ang mga ito.

Ang desisyon ng Sandiganbayan ay ilang araw lamang matapos namang ibasura ang isa pang kaso ukol sa umano’y P200 bilyong ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Read more...