Anne at Erwan, babae ang unang anak

Magkakaroon ng ‘Mini Me’ si Anne Curtis.

Ito ang rebelasyon ng aktres sa pamamagitan ng isang Instagram post na nangangahulugang babae ang kanilang anak ng asawang si Erwan Heussaff.

Sa larawang ibinahagi ni Anne, makikita ang paghawak nilang mag-asawa ng pink-colored smoke sticks sa gender reveal party.

May sarili namang post si Erwan sa kanyang Instagram account.

Ayon sa blogger, excited na siya sa pagsilang ng kanyang baby girl.

Una nang inanunsyo ng dalawa ang pagkakabuntis ni Anne noong Nobyembre.

Magugunitang ikinasal ang dalawa sa New Zealand noong Nobyembre 2017.

Read more...