Ito ay matapos mapawalang-sala ang mga akusado sa pagkamatay ng photojournalist na si Reynaldo ‘Bebot’ Momay, ang ika-58 biktima ng masaker.
Ayon sa korte, hindi naman kasi natagpuan ang katawan ni Momay sa mass grave na pinaglibingan sa mga biktima.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, inihayag ni Ma. Reynafe Castillo, anak ni Momay, ang pagkadismaya sa naging desisyon ng korte.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang katawan ng photojournalist.
“The only trace we found of Reynaldo ‘Bebot’ Momay at the massacre site was a set of dentures. There was no body, no corpus delicti,” ayon kay Romel Bagares ng Center for International Law (CenterLaw).
Ayon kay Castillo, hindi sila susuko sa kaso ng kanyang ama.