M3.5 at M3.0 na lindol naitala sa Davao del Sur at Zamboanga del Norte

Tumama ang magkahiwalay na lindol sa Zamboanga del Norte at Davao del Sur Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, alas-11:04 nang maitala ang magnitude 3.5 na lindol sa layong 14 kilometro Hilagang-Silangan ng Magsaysay, Davao del Sur.

May lalim itong 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Tupi, Koronadal South Cotabato at Kidapawan City.

Alas-12:05 naman ng hatinggabi nang yumanig ang magnitude 3.0 na lindol sa walong kilometro Hilagang-Kanluran ng Gutalac, Zamboanga del Norte.

May lalim naman itong 120 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga lindol na hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...