Magnitude 4.5 na lindol naitala sa Lutayan, Sultan Kudarat

Niyanig ng malakas na magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers Northeastng bayan ng Lutayan, alas-6:11 Huwebes ng hapon (December 19).

May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang intensity 2 sa Kidapawan City.

Naitala rin ang instrumental intensity 2 sa Kidapawan City; Koronadal City; Malungon, Sarangani at intensity 1 sa Alabel, Sarangani.

Wala namang naitalang pagsira ng mga ari-arian, at aftershocks.

Read more...