Iginiit ni Maguindanao Rep. Ismael Toto Mangudadatu na naging makabuluhan ang sampung taon na paghihintay ng hustisya ng mga kapwa niya biktima ng Maguindanao masaker.
Ayon kay Mangudadatu, ito ay matapos katigan ng husgado ang kanilang laban sa mga responsable sa malagin na masaker.
Patunay lamang anya ang guilty verdict sa mga pangunahing akusado sa masaker na buhay na buhay ang hustisya sa bansa.
hindi rin anya kailan man magiging mali ang pagpili sa tama at pagtitiwala ng lubos sa Diyos at sa saligang batas.
Bagama’t hindi anya lahat ng akusado ay nahatulan ng pagkakakulong, nagagalak pa rin sila dahil ang mga dapat masakdal ay habambuhay nang makukulong.
Kasabay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Mangudadatu sa mga nagdasal at nagbigay ng suporta upang makamit ng mga naulila nang masaker ang katarungan na sampung taon ding hinintay.