Sa kanyang maiksing mensahe, hinimok ni Go ang mga batang pasyente na huwag mawalan ng pag-asa at pinaalalahanan sila na palaging handa ang gobyerno na sila ay kalingain.
“Mga bata, wag kayong mawalan ng pag-asa. Nandiyan ang Panginoon, nandiyan ang gobyerno para tumulong sa inyo,” Sabi ni Go. Sabi pa ng senador n palaging bukas ang kanyang tanggapan para pakinggan ang kanilang concerns at tulungan sila na malampasan ang araw-araw na mga hamon sa buhay.
“Huwag kayong mahiyang lumapit sa akin. Ituring niyo lang ako na Kuya Bong Go ninyo. Ayoko talaga tumakbo senador noong una. Si Pangulong Duterte po at kayo ang nagpalakas sa akin,” Maluha-luha pang binigyang-diin ng senador kung paano siya nagkaroon ng inspirasyon para bigyan ng mas magandang serbisyo ang mga nangangailangan ng atensiyon ng gobyerno.
Sa naturang event ay kinilala naman ni Go ang presensya ni During the event, John Paul Culiao, ang batang lalaki na may leukemia at dati nang binisita ng mambabatas sa ospital at personal nang naging malapit sa kanya.
Ayon pa sa senador “Itong si John Paul, matagal ko na pong kaibigan ito. Una ko siyang nakilala noong birthday ko. Imbes na mag-celebrate ako noon, tumulong na lang ako sa mga batang may cancer, sa mga nasunugan, para mabigyan naman sila ng kaunting ngiti sa kanilang mukha,”
Unang nakilala ng senador si John Paul noong June 14, 2018 nang siya ay magdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga pasyente ng PCMC. Nang mapag-alaman ng senador na gustong gustong makita ng bata si Pangulong Rodrigo Duterte ay dinala niya ito kasama ang mga magulang sa Malakanyang para sa kanyang kaarawan noong nakaraang taon. Patuloy na kinukumusta ni Go ang kalagayan ni John Paul at siya ay inaasistihan hanggang sa kasalukuyan.
“Ang kasiyahan ko sa mundong ito ay makapagserbisyo sa inyo at makapag-iwan ng ngiti sa inyong mukha. Ngayong panahon ng Pasko, kalimutan muna natin ang prublema. Magkasiyahan muna tayo,” sabi ni Go, nagbigay siya ng ayuda-pinansiyal sa mga pasyente at kanilang pamilya para may pang gastos sila ngayong holiday season.
“May dala lang po ako kaunting pamasko po sa inyo. Pangbili lang ng noche buena, pati pamasahe, mga delata, para mayroon kayong pang-noche buena,” sabi kay Go.
Hinimok din nito ang mga pasyente na humingi ng ayuda sa Malasakit Centers, sa pagsasabing “Para naman sa mga gustong magpagamot, lapitan niyo lang po ang Malasakit Center. Pera po ninyo iyan.”
Ipinaliwanag naman nito ang layunin ng Malasakit Centers, Sabi ni Go, “Noong unang panahon, dati pipila pa kayo mula Lunes, Martes, Miyerkules at Huwebes sa iba’t ibang ahensya. Ubos na ang panahon ninyo, ubos pa ang pamasahe ninyo.”
“Ngayon, nandito na po sa isang bahay ang apat na ahensiya ng gobyerno. Hindi na mauubos ang panahon niyo kakapila sa iba’t ibang opisina,” dagdag pa nito, umani naman ng palakpakan at hiyaan ng audience.
Kabilang sa mga ahensiya na may medical at financial assistance programs na available sa mga naturang Centers ay ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nito lamang Disyembre ay nilagdaan ni Pamngulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang Malasakit Center Act of 2019, angpriority measure ni Senator Go. Layunin nito na i-institutionalize at tiniyak ang patuloy na operasyon kahit pa tapos na ang termo ni Pangulong Duterte.