Magnitude 3.4 na lindol naitala sa Sulop, Davao Del Sur

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 6 kilometers Southwest ng bayan ng Sulop, alas-8:01 ng umaga ng Huwebes (December 19).

May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...