Sa courtesy call kagabi ng mga medalists ng mga Pinoy athletes sa katatapos na Southeast Asian (SEA) games, sinabi ng pangulo na maaring makapsapat na sa training ang 250,000 na allowance kada buwan.
“Siguro isang atleta mag-training, magkano ang allowance? Mga 250,000 a month. Okay na siguro ‘yan?,” ayon sa pangulo.
Ayaw kasi ng pangulo na naghahati-hati ang nga atleta sa maliit na allowance.Nais din ng pangulo na gawing libre na ang pagkain ng mga atleta.Pangako ng pangulo, pagsusumikapan niyang makalikom ng pondo para sa mga atleta.
“So that’s why we have to seek sanctuary in the many human activities, sports. Kaya sabi ko mabuti’t na lang… Well, we can — we can… Ako, I’ll try to — to talk things over with Congress. ‘Yung allowance ninyo. Dapat ‘yung pagkain libre na. ‘Yung allowance ninyo, allowance na ninyo ‘yan. You do not have to share with your…,” ayon sa pangulo.
Pabiro pang sinabi ng pangulo na hindi siya mag-aatubili na holdapin ang sariling bangko ng pamahalaan masiguro lamang na matustusan ang pangangailangan ng mga atleta.
Una rito, nangako ang pangulo ng 100 milyon pisong pondo para sa mga atleta na lalaban sa Olympics. Kukunin aniya ang pondo sa PAGCOR.
Kagabi lamang, ginawaran ng pangulo ng Order of Lapu-Lapu ang mga Filipino athlete na nanalo sa SEA games.
Binigyan ng pangulo ng cash incentives na tig P250,000 ang bawat gold medalist, P150,000 sa silver medalist at P100,000 sa bronze medalists.
Bukod pa ito sa itinatakda ng batas na cash incentives na P300,000 sa gold medalist P150,000 sa silver medalist at P60,000 sa bronze medalist.