Water level ng Angat dam nadagdagan pa sa magdamag

Nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antasi ng tubig sa Angat dam

Sa datos ng Pagasa Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Dec. 19 ay nasa 197.65 meters ang water level ng dam.

Mas mataas kumpara sa 197.49 meters kahapon.

Nadagdagan din ng bahagya ang water level ng Ipo dam na nasa 101.00 meters.

Nabawasan naman ng bahagya ang La Mesa dam na nasa 77.63 meters.

Nabawasan din ang water level sa San Roque, Caliraya, Pantabangan at Magat dams.

Habang nadagdagan naman ang Ambuklao at Binga dam.

Read more...