Lalaki arestado sa buy-bust operation sa Cubao

Arestado ang isang 22 anyos na lalaking tindero sa ikinasang buy bust sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District Station 7 ang suspek ay residente sa Barangay Tatalon at dumarayo sa Barangay Socorro para doon magbenta ng shabu.

Sa ikinasang buy bust operation, nabilihan ang suspek ng P500 halaga ng ilegal na droga.

Nang kapkapan ng mga otoridad ay may nakuha pa sa kaniyang walong sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...