Ayon sa 4AM weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng SLPA sa layong 1,050 kilometers Silangan-Timog-Silangan ng Davao City.
Wala pa namang direktang epekto ang LPA sa kalupaan ng bansa.
Inaasahan na sa darating na weekend ay magdadala ang LPA ng mga malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas kaya’t inaabisuhan na ng PAGASA ang ating mga kababayan na mag-antabay ng mga update ukol sa weather disturbance.
Samantala, Easterlies pa rin ang nakakaapekto sa halos buong bansa ngayong araw ng Huwebes (December 19).
Makararanas pa rin ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa Easterlies.
Maaliwalas ang mararanasang panahon sa halos buong Luzon at hindi inaasahan ang malawakang pag-ulan sa susunod na 24 oras.
Asahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap lamang na papawirin at may mga tyansa ng isolated thunderstorms sa hapon o gabi sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.