Seguridad sa bisinidad ng Camp Bagong Diwa mas hinigpitan dahil sa pagbaba ng hatol sa Maguindanao Massacre case

Mas hinigpitan na ang seguridad sa bisinidad ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City madaling araw pa lamang ng Huwebes (December 19), araw ng pagbaba ng hatol sa Maguindanao Massacre case.

Ideneploy rin ang regional force battalion ng NCRPO sa harap ng Main gate ng Camp Bagong Diwa.

Hindi basta-basta pinapapasok ang mga sasakyan sa loob ng Kampo dahil isa-isang iniispeksiyon ang mga bihekulo.

Alas sais ng umaga nang ilock-down ang magka bilang lane ng Delos Santos Avenue kung saan naroon ang Camp Bagong Diwa.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin pinapapasok ang mga miyembro ng media sa NCRPO compound.

Read more...