Magnitude 3.9 na lindol naitala sa Jose Santos, Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 114 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-12:46 madaling araw ng Huwebes (December 19).

May lalim na 36 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...