Higit 1,000 LED lights, ikakabit sa depot at mga istasyon ng MRT-3

Magkakabit ng mahigit 1,000 LED High Bay Lights sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa Department of Transportation MRT-3, ikakabit ang nasa kabuuang 1,621 na LED lights sa depot at mga istasyon nito.

Ito ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon sa linya ng tren ngayong Kapaskuhan.

Nagsimulang ikabit ang mga nasabing ilaw noong buwan ng Hunyo.

Target namang matapos ang pagkakabit ng mga ilaw sa buwan ng Pebrero sa taong 2020.

Inaasahang makakatulong ang mga ilaw para sa magiging maliwanag, ligtas, at komportable ang biyahe ng mga commuter.

Read more...