Pang-aabuso ng Grab ngayong kapaskuhan pinuna ni Sen. Imee Marcos

Pinansin ni Senator Imee Marcos ang pananamantala sa pasahe ng Grab ngayon Kapaskuhan.

Paliwanag ni Marcos na sa pagdoble ng pasahe sa Grab ay malinaw na pang-aabuso sa kanilang mga pasahero.

Paalala ng senadora nangako ang Grab sa gobyerno na kung magkakaroon ng pagtaas sa kanilang pasahe ngayon Kapaskuhan ito ay hanggang 22 porsiyento lang.

Inabisuhan pa nila ang Philippine Competition Commission (PCC) na ang kanilang pangako ay hanggang ngayon taon.

Binanggit ni Marcos na ang pasahe na wala pang P100 para sa isang kilometrong biyahe ay pumapalo na ng higit P200.

Dapat aniya na mapagbantay ang gobyerno sa mga pang-aabuso sa mga pampublikong interes tulad ng sa transportasyon at tubig.

Kaya’t aniya dapat ay payagan na ng LTFRB ang mga ride hailing services gamit ang motorsiklo, tulad ng Angkas.

Inihain ni Marcos ang Senate Bill 409 na layon kilalanin ng gobyerno ang mga ‘motorcycle taxis’ bilang lehitimong uri ng pampublikong transportasyon.

Read more...