Humihirit si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino na mahalin ang nga sundalo.
Sa talumpati ng pangulo sa 84th founding anniversary ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kinilala nito ang kabayanihan ng mga sundalo.
Ayon sa pangulo, ang mga sundalo ang unang rumesponde sa lindol sa Mindanao region.
Dagdag ng pangulo, ang mga sundalo rin ang runner ng bayan kapag may baha, sumabog na bulkan, landslide at iba lang uri ng kalamidad.
“Ang sundalo kasi natin, sundalo ng bayan at utusan ng bayan at runner ng bayan at lahat na. Kagaya nangyari sa Mindanao, may earthquake, nandoon sila. ‘Pag magbaha, nandoon sila. ‘Pag may pumutok na volcano, sila ‘yung nauna. ‘Pag may flooding, sila ‘yung nauna. At lahat na, may landslide, sila ‘yung nagkukutkot doon sa lupa. At kung may gulo, nandoon sila,” ayon sa pangulo.
Sinabi pa ng pangulo na ang nga subdalo rin ang tagapamayapa kapag mayroong kaguluhan sa isang komunidadad.
“If there is [disorder], they establish order. If there is a lawless environment, they provide stability. Ang sundalo natin, atong mga sundalo, they are everything and that is why you should love your soldier. Tayong mga Pilipino, tulungan natin,” ayon sa pangulo.
Apela ng pangulo tulungan ng sambayang Filipino ang mga sundalo.