TNCs ipatatawag ng LTFRB dahil sa reklamo ng mga pasahero na sobrang taas ng singil sa pamasahe

Magpapatawag ng pulong ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga Transport Network Companies (TNCs) para talakayin ang reklamo ng mga commuter hinggil sa masyadong mataas na singil sa pasahe.

Ayon sa LTFRB, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga commuter laban sa mga ride-hailing applications na nagsimula nang magtaas ng singil sa pamasahe mula nang mag-umpisa ang buwan ng Disyembre.

Sinabi ng LTFRB na ang standard rate ng mga ride-hailing app ay P40 na base fare at dagdag na P10 hanggang 15 per kilometer, at P2 kada minuto.

Ang surge cap ng 2x ay depende naman sa daloy ng traffic.

Tiniyak ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na aaksyunan ng ahensya ang mga reklamo.

Ngayong Linggong ito ay ipatatawag ang mga TNCs sa LTFRB para talakayin ang isyu.

Read more...