Magsaysay, Davao Del Sur niyanig ng M4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.84 na lindol ang bayan ng Magsasyay sa Davao Del Sur.

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 2 kilometers southwest ng Magsaysay alas 8:22 ng umaga ng Miyerkules, Dec. 18.

Ayon sa Phivolcs may lalim na 7 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Intensity IV sa Bansalan at Digos City sa Davao Del Sur.

At Intensity II sa Davao City.

Habang naitala naman ang sumusunod na Instrumental Intensities:

Intensity IV – Malungon, Sarangani
Intensity II – Kidapawan City, Cotabato; Davao City; Koronadal City, atTupi, South Cotabato
Intensity I – Alabel, Sarangani

Samantala, alas 8:45 ng umaga nang tumama naman ang magnitude 3.4 na lindol sa Kiblawan, Davao Del Sur.

Naitala ito alas 8:45 ng umaga sa 15 kilometers southwest ng Kiblawan.

Read more...