Nasawi sa lindol sa Davao del Sur umakyat na sa 9

Umakyat na sa siyam ang bilang ng nasawi sa lindol sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Davao del Sur.

Ayon ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ngayong umaga ng Miyerkules, Dec. 18.

Tatlo sa mga nasawi ay nadaganan ng gumuhong South Grocery Store sa Padada, Davao del Sur.

Nasa 111 katao naman ang naitalang nasugatan at mayroong isang nawawala.

Ayon nsa NDRRMC, 41 istraktura ang napinsala sa lindol at 32 ang wasak na wasak.

Read more...