Water level ng Angat dam nadagdagan sa magdamag
Muling nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Miyerkles, Dec. 18 ay nasa 197.49 meters ang water level ng dam.
Mas mataas kumpara sa 197.22 meters kahapon pero malayo pa rin sa 212 meters na normal high water level nito.
Samantala, wala namang pagbabago sa antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.99 meters.
habang ang La Mesa dam ay nasa 77.65 meters ang water level.
Nabawasan naman nang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.