BREAKING: M5.3 na aftershock yumanig sa Davao del Sur

Isang magnitude 5.3 na aftershock ang yumanig sa Davao del Sur alas-4:18 madaling-araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 28 kilometro Timog-Silangan ng Padada.

May lalim itong siyam na kilometro at tectonic ang dahilan.

Malakas ang lindol at naitala ang Intensity V sa Digos City at Intensity IV sa General Santos City.

Ayon sa Phivolcs, bagama’t hindi inaasahan ang pinsala sa ari-arian, may susunod pang mga pagyanig.

Read more...