Gumawa ng napakatapang na desisyon si Pope Francis para tugunan ang sinasabing mga kaso ng pang-aabuso ng mga miyembro ng kaparian.
Kasabay ng kanyang ika-83 kaarawan, inilabas ang mga dokumento na nag-aalis sa ‘pontifical secrecy’ sa mga magsusumbong ng pang-aabuso.
Una rito, inililihim ang sexual abuse cases upang maprotektahan ang privacy ng mga biktima at reputasyon ng mga akusado.
Pero dahil sa pagbuwag ng Santo Papa sa ‘pontifical secrecy’, inaasahang uusbong ang transparency sa pagresolba sa mga kaso.
Magbibigay daan din ito para mapalawig ang kakayahan ng pulisya at iba pang legal authorities na humingi ng impormasyon mula sa Simbahang Katolika.
Bukod dito, binago rin ng Santo Papa ang depinisyon ng Vatican sa child pornography at itinaas ang edad ng subject ng krimen mula 14 at pababa tungong 18 at pababa.