Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa anniversary rites kung saan ibinida ang mga napagtagumpayan ng militar sa nagdaang taon.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ng presidente ang walang sawang suporta sa AFP sa patuloy na paglaban ng gobyerno sa kaguluhan, karahasan at terorismo.
Iginiit ni Duterte na umaasa ang sambayanang Filipino sa AFP kaya’t hindi dapat ito mabigo sa misyong ipaglaban ang soberanya ng bansa at panatilihin ang kapayapaan sa mga komunidad.
“The Filipino people will continue to count on each one of you to remain steadfast in your noble mission to defend our sovereignty and maintain peace in our communities and you should not fail,” ani Duterte.
Hinikayat ng pangulo ang kanyang mga sundalo na pagsumikapang gawing mapayapa ang bansa hanggang sa makakaya nito.
“Try to make this country as peaceful as it can ever be,” dagdag ng presidente.
Gayundin ay hinimok ng presidente ang mga Filipino na mahalin ang mga sundalo.
Pagtitiyak ng presidente, nagpapasalamat ang buong bansa sa serbisyo ng mga sundalo sa bansa.