Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa higit 69,000 na

Patuloy ang pagdagsa ng mag pasahero sa mga pantalan sa buong bansa para umuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Kapaskuhan.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, hanggang alas-6:00 ng gabi ng Martes ay umabot na sa 69,130 ang kabuuang bilang ng outbound passengers.

Pinakamarami sa Western Visayas (Antique, Aklan, Iloilo, Capiz, Guimaras) na may 16,534 passengers.

Sumunod ang Central Visayas (Cebu, Eastern Bohol, Western Bohol, Southern Cebu, Camotes) na may 11,807.

Habang 8,741 naman ang pasahero sa Northern Mindanao (Surigao del Norter, Misamis Occidental, Siargao, Lanao del Norte, Agusan del Norte, Dinagat, Zamboanga del Norte, Misamis Oriental, Camiguin).

Ayon sa PCG katuwang sila ng pambansang gobyerno sa pagtiyak na maitatala ang zero maritime casualty o incident ngayong Christmas Season.

Pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na maging mapagmatyag sa lahat ng pagkakataon at sumunod sa safety at security measures sa lahat ng terminal at mga sasakyang pangdagat.

Hinihikayat ang mga pasahero na iulat ang presensya ng mag kahina-hinalang indibidwal.

Read more...