WATCH: 2-day calamity leave, itinutulak sa Kamara

Itinutulak ni Albay Rep. Joey Salceda na magkaroon ng dalawang araw na emergency leave ang mga empleyado na apektado ng kalamidad.

Sa inihaing House bill 5775, nais mabigyan ng leave tuwing may kalamidad o anumang natural disasters ang mga empleyado na nakapagtrabaho na ng anim na buwan.

Hindi naman sakop sa panukala ang mga government worker at employee na kailangan sa disaster, relief, at rescue operation.

Sa detalye, narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

Read more...