Bilang ng pamilyang Filipino na nagsabing sila ay mahirap, tumaas sa 42 percent – SWS

Tumaas ang bilang ng pamilyang Filipino na nagsabing sila ay mahirap, batay sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng survey, tumaas sa 42 porsyento ang mga pamilyang Filipino na ikinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang 38 porsyento noong unang bahagi ng 2019.

30 porsyento naman ang nagsabi na ang kanilang pamilya ay “on the line” habang 28 porsyento ang “not poor.”

Samantala, 36 porsyento ng mga Filipino ang nagsabing bumuti ang personal quality ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 na buwan.

25 porsyento ang nagsabing lumala ang kanilang buhay habang 38 porsyento ang nagsabing nanatiling normal ang lagay ng kanilang buhay.

Optimistic o positibo naman 46 porsyento ng mga Filipino na bubuti ang kanilang buhay sa susunod na 12 na buwan, limang porsyento ang pessimistic, 38 porsyento ang naniniwalang mananatiling pareho ang kanilang buhay at 11 porsyento ang hindi sigurado.

Isinagawa ang survey sa 1,800 na respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview mula September 27 hanggang 30.

Mayroon itong ±2 percent error margin.

Read more...