BOC, may paalala sa publiko ukol sa import procedures ng foreign donations

Nagpaalala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko ukol sa tamang import procedures ng foreign donations.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng ahensya na layon nitong maiwasan na magkaroon unnecessary charges.

Ayon sa BOC, mayroong bayad sa customs duties at taxes ang imported international donations para sa pagproseso nito.

Hindi lamang aniya magkakaroon ng bayad sa customs duties o buwis kung ang consignee ay:
– national government agency
– foundation o relief organization na nakarehistro sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)
– non-stock, non-profit educational institution
– disabled person

Para makuha ang duty at tax exemption sa pag-import ng international donation, sinabi ng BOC na dapat kumuha ng Tax Exemption Indorsement (TEI) mula sa Department of Finance-Revenue Office.

Narito ang mga requirement para makapag-apply ng TEI:
– Recommendation/endorsement para sa duty o tax-exempt mula sa ahensya ng gobyerno (DSWD, NEDA, DepEd, CHED, etc.)
– Letter Request na naka-address sa Secretary of Finance (Attention: Director IV, Revenue Office)
– Import Bill of Lading (BL)/Airway Bill (AWB)
– Import Invoice
– Packing List (PL)
– Deed of Donation at iba pang dokumento na hihingin ng DOF.

Ipapadala ang aprubadong TEI ng Department of Finance – Central Records Management Division (DOF-CRMD) sa Bureau of Customs -Tax Exempt Division (BOC-TED) para sa transmittal sa BOC-Collection District para sa pagproseso nito.

Read more...