DA Sec. William Dar, kumpirmado na sa Commission on Appointments

Mabilis na nakalusot si Agriculture Secretary William Dar sa Commission on Appointment (CA), araw ng Martes.

Ito ay matapos irekomenda ng Committee on Agriculture ang pag-apruba sa ad interim appointment kay Dar.

Inirekomenda ni Committee of Agriculture chair Rep. Florencio Noel ang pag-apruba sa appoint ng kalihim dahil dumating aniya si Dar noong panahon na kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng “action man” na determinadong mapagbuti ang agrikultura sa bansa.

Sinuportahan naman ito ni Senadora Cynthia Villar.

Sinabi nito na naniniwala itong handa na ang kagawaran na muling sumailalim sa liderato ni Dar.

Matatandaang itinalaga ng pangulo si Dar bilang acting secretary ng DA noong buwan ng Agosto.

Read more...